CHED, tutol sa pagbubukas ng klase sa Setyembre

Kung si CHED Chairperson Prospero de Vera ang tatanungin, tutol ito sa proposal ng Inter-Agency Task Force (IATF) na sa Setyembre na lamang gawin ang pagbubukas ng klase.

Sa ginawang virtual conference meeting ng Committee on Higher and Technical Education, sinabi ni De Vera na sa Agosto ang nais ng mga higher learning institutions na pagbubukas ng semester at hindi Setyembre.

Paliwanag ni De Vera, kung Setyembre o Oktubre pa gagawin ang school opening sa lahat ng levels kasama ang college ay tiyak na malulugi ang mga school owners.


Aniya bukod sa walang papasok na income dahil sa tagal ng pagbubukas ng klase ay baka magsara na lamang ang maraming paaralan.

Ipauubaya naman ng CHED sa mga SUCs kung kailan nila gustong tapusin ang semester sa susunod na pasukan.

Dagdag pa ni De Vera, naisumite na nila ang rekomendasyon ng CHED kaugnay sa school year opening.

Facebook Comments