Chedeng, bahagyang bumagal habang napanatili ang lakas; 8 lugar sa Mindanao, isinailalim sa signal no. 1

Palapit nang palapit ng kalupaan ang tropical depression Chedeng.

Namataan na ito sa layong 650 kilometers silangan ng Davao City.

Napanatili nito ang kanyang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.


Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kph.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:

  • Davao Oriental
  • Compostela Valley
  • Davao del Sur
  • Davao City
  • Davao Oriental
  • Katimugang parte ng Davao del Norte (kasama ang Samal Island)
  • Silangang bahagi ng North Cotabato
  • Silangang bahagi ng Sarangani

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz – inaasahang magla-landfall ito sa silangang baybayin ng Davao Oriental bukas ng umaga.

Sa ngayon, asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley at Davao del Norte.

Facebook Comments