Bahagyang bumagal pa ang tropical depression Chedeng habang papalapit ng Davao Occidental.
Namataan na ito sa layong 105 kilometers silangan ng General Santos City.
Nananatili ang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kph.
Nasa 15 kph lamang ang bilis nito at tinatahak ang direksyong kanluran-timog kanluran.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa sumusunod:
- Davao Oriental
- Compostela Valley
- Davao del Sur
- Davao City
- General Santos City
- Davao Occidental
- Katimugang parte of Davao del Norte (kasama ang Samal Island)
- Silangang bahagi ng North Cotabato
- Silangang bahagi ng South Cotabato
- Silangang bahagi ng Sarangani
- Silangang bahagi ng Sultan Kudarat
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin – anumang oras ay posibleng mag-landfall na ito sa silangang baybayin ng Davao Occidental.
Kapag tumama na ito ng lupa ay inaasahang hihina ito at maging Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Katamtaman hanggang sa malalakas na ulan ang mararanasan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Region, Soccsksargen at ilang bahagi ng Northern Mindanao, Bansamoro Region at Zamboanga Peninsula.