Humina pa at ibinaba na sa pagiging Severe Tropical Storm ang Bagyong Chedeng habang papalabas ng bansa.
Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,210 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong nasa 135 kilometro kada oras.
Napanatili naman ng bagyo ang bilis na nasa 25 kilometro kada oras patungong hilaga, hilagang silangan.
Patuloy na pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat at inaasahang magdudulot ng mga malalakas na alon sa karagatan na nasa Extreme Northern Luzon.
Dahil sa habagat, asahan naman ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon na posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslides.
Facebook Comments