#ChedengPH, humina pero bumilis habang papalabas ng PAR

Humina pero bumilis pa ang Bagyong Chedeng habang kumikilos papalabas ng bansa.

Ayon sa PAGASA-DOST, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,100 kilometers, silangan, hilagang silangan ng dulong hilagang Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong nasa 150 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyo patungong hilaga, hilagang silangan sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Pinalalakas ng bagyo ang hanging habagat na siya namang nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Kanina, naglabas ang pagasa ng heavy rainfall alert warning sa Metro Manila, Bulacan, Abra, Benguet, Northern Portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, at Antique.

Makararanas din ng malalakas na pag-ulan ngayong linggo ang Ilocos Region, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.

Facebook Comments