CHEESE ROLLING COMPETITION | Isang kakaibang kompetisyon para sa mga taong mahihilig sa keso, isinagawa sa England

England – Isang kakaibang kompetisyon ang inilunsad ngayon sa Cooper’s Hill sa United Kingdom para sa mga taong mahihilig sa keso.

Aabot sa mahigit 20 katao ang sumali sa cheese rolling competition kung saan pagugulungin ang 8-pound wheel ng double Gloucester cheese pababa sa matarik na burol at kanila itong hahabulin.

Hindi naman naging madali para sa mga competitors ang event dahil ang iba sa kanila ay tumambling, gumulong, nagpa-ikot-ikot at nagkasugat habang ang iba ay nagkaroon pa ng head concussion.


Sa nasabing kompetisyon, nauwi at napanalunan ni Chris Anderson ang keso at siya rin ang may hawak ng record na 22 panalo sa loob ng 14 taon na pagsali nito.

Facebook Comments