Chel Diokno, inilarawan laging Pilipino at bansa muna ang istilo ng pamumuno ni dating pangulo Noynoy Aquino

Inilarawan ni Human Rights Defender Chel Diokno na hindi perpekto ngunit laging Pilipino at bansa ang istilo ng pamumuno ni dating pangulo Benigno “NoyNoy” Aquino III.

Ayon kay Diokno, walang perpektong lider ang bansa ngunit masasabi niyang inuna ni PNoy ang interes ng bayan.

Haliwbawa dito ang kaso ng West Philippine Sea kung saan naipanalo ni PNoy at paglago ng ekonomiya ng bansa sa panahon ng kaniyang termino.


Dagdag ng Human Rights Lawyer na ang pagmamahal sa mga Pilipino ang isa sa mga namana ni PNoy sa kaniyang mga magulang na sina Ninoy at Cory.

Nagbigay pugay naman si Diokno dahil sa bihira nitong istilo na isinusulong ang interes ng lahat ng Pilipino.

Facebook Comments