Nagliparang mga LPG na nagpaliyab sa mga kalsada, nasunog na bangko, at may na-trap pa sa itaas na bahagi ng barangay hall- kabilang lamang ito sa mga scenario na nangyari sa kanto ng Soler St. at Alonzo St. sa barangay 299 Sta. Cruz, Manila kaninang 4:00am sa isang kunwa-kunwariang pagtama ng pinakamalakas na lindol sa metro manila.
Nirescue ang tatlong katao na nadaganan ng mga bakal, nadaganan ng natumbang puno at nahulugan ng debris sa gumuhong gusali.
Nasubok din ang kahandaan ng BFP nang sumiklab ang isang sunog sa isang bangko at sinabayan ng isang chemical attack.
Nasubok din ang mga bagong biling makabagong kagamitan ng 299 Sta. Cruz, Manila nang sagipin nila ang mga na-trap na tao sa barangay hall.
Kabilang sa mga bagong biling equipment na ito ay mga extraction equipment at mga breathing equipment.
Malimit na sunog ang problema sa lugar kung may kalamidad.
Nasubok ang mga training sa barangay 299 sa pagrescue, pagsugod sa ospital at pag evacuate sa mga apektadong tao.
Mamayang 8:30 ay may scenario rin sa Lemar Ben Building and Republic Supermarket (Soler Street Corner Florentino Torres St., Sta. Cruz, Manila.)
Pangangasiwaan mismo ni Mayor Isko Moreno ang itinalagang incident command post sa west quadrant.