Napatawad na ng aktres na si Cherry Pie Picache ang taong pumatay sa kaniyang ina.
Matatandaang Sepyembre taong 2014, pinatay ang kaniyang ina na si Zenaida Sison sa loob mismo ng kaniyang tahanan.
Pagnanakaw lang daw ang motibo ni Michael Flores na helper pa mismo ng pamilya ng aktres.
Kwento ni Cherry Pie, umabot sa punto na gusto niyang pagbayarin ng death penalty ang suspek na noo’y hinatulan ng parusang Reclusion Perpetua o pagkakakulong ng hindi bababa sa 40 taon.
Pero sa pagdaan ng mga taon, unti-unti rin daw niyang natanggap ang pagkamatay ng kanyang ina.
Kasabay nito ay ang pagpapatawad niya kay Flores na kamakailan lang ay nagawa pa niyang bisitahin sa kulungan at dinalhan pa niya ng pagkain.
Facebook Comments