Cherry Pie Picache pinatawad na ang taong pumaslang sa kanyang ina

20252
Screenshot via ABS-CBN Radical Love Documentary

Limang taon matapos ang trahedyang pinagdaanan sa buhay, tuluyan nang napatawad ng aktres na si Cherry Pie Picache ang suspek na pumatay sa kanyang inang si Zenaida Sison noong Setyembre 2014.

Aminado si Cherry naging malaking bahagi ng kanyang pagpapatawad ang pananampalataya sa Diyos.


Tinampok sa dokyumentaryong “Radical Love” na prinoduce ng ABS-CBN DocuCentral kung paano naghilom ang sugat ng nakaraan at muling hinarap ng batikang aktres na wala nang galit sa puso ang lalaking kumitil sa buhay ng sariling ina.

Sa kanilang pagkikita ng salaring si Michael Flores, humingi ulit ito ng tawad sa kasalanan at sinabi nito kay Cherry Pie ang tanging hiling niya.

Yun po ang lagi kong dinadasal eh, na makuha niyo po akong patawarin,” ani Flores.

Tugon ni Cherry Pie, “Kahit pinatawad an kita, kailangan mo pa rin ituloy ‘yung consequence ng ginawa mo.”

Natagpuang walang buhay si Sison sa bahay nito sa Quezon City at umamin ang dating houseboy sa nagawang krimen.

Batay sa imbestigasyon noon ng pulisya, pagnanakaw ang naging motibo ng suspek ngunit humantong ito sa patayan. Nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Flores.

Facebook Comments

From Advertisers