Spain – Pinadapa ni International Master John Marvin Miciano si Das Abishnek ng India sa fourth round para manatiling nasa taas ng leaderboard sa ginaganap na 20th Obert Internacional Sant Marti 2018 Chess Championship sa Barcelona, Spain.
Nakuha ng 17-anyos na si Miciano ang full point kontra kay Abishnek sa 42 moves ng Sicilian game para umangat sa 3.5 points o kalahating puntos sa likuran ng leader na GM Gadir Guseinov (GU-SEY-NOV) ng Azerbaijan.
Lumalaban din sa torneo sina WGM Janelle Mae Frayna na tinalo si Oleksandr Khudov ng Ukraine habang tumabla si GM Jayson Gonzales kay Javier Garcia Gil ng Spain.
Parehong may 2.5 points sina Frayna at Gonzales sa torneo.
Facebook Comments