Tutulak na patungong Georgia mamayang gabi ang Men’s at Women’s national chess team na sasabak sa World Chess Olympiad na gaganapin sa Batumi, Georgia.
Pangungunahan ni U.S.-based GM Julio Catalino Sadorra ang men’s team kasama sina GM John Paul Gomez, IM Haridas Pascua, IM Jan Emmanuel Garcia at FIDE Master Joseph Mari Turqueza.
Ayon kay non-playing team captain at coach GM Eugene Torre target ng koponan na makapasok sa top 30 ng torneo. Sa nakaarang Baku, Azerbaijan Olympiad nagtapos sa ikalimamput-walong puwesto ang koponan.
Puwesto naman sa Top 25 ang target ng women’s ream. Sabi ni GM Jayson Gonzales, nais nilang malagpasan ang 34th place finish nila sa Baku.
Malaki ang paniniwala ni Gonzales na kayang maabot ang target ng koponan sa pangunguna ni WGM Janelle Mae Frayna kasama sina Catherine Secopito, Shania Mae Mendoza, Bernadette Galas at Antonette San Diego.
Magsisimula na ang Batumi Chess Olympiad sa darating na Linggo.