Chess Tournament , Dinagsa ng 200 na Kalahok

Tuguegarao City, Cagayan – Dinagsa ng 200 na mga batang chess players ang 1st Batang Cagayano Wood Pushers Christmas Chess Tournament na ginanap sa SM Center Tuguegarao Downtown noong nakalipas na Disyembre 9 at 10, 2017.

Ito ang kauna unahang regional chess tournament na binuo ng Cagayan Chess Development Club katuwang ang SM Center Tuguegarao Downtown, Office of Congressman Randy Ting, Vice Governor Antonio Albano ng Isabela at Yakult.

Bumida sa Juniors Division si Alexander Jude Soriano Malabad na estudyante ng University of St. Louis Tuguegarao bilang kampeon.


1st runner up si Bryan Valdez ng Cagayan National High School at 2nd runner up naman si Rainel Llara ng Tugegarao Science High School.

Sa kategorya ng Kiddies Division ay nakopo ni Brix Ashder ng Namabbalan, Tuguegarao City ang kampeonato.

1st runner up si E-jay Quilang ng Barangay Libag, Tuguegarao City samantalang 2nd runner up si Rogene Manalangit ng kaparehong barangay.

Bumida naman ang pinakabatang mga kalahok na si Francisco Albano Jr. at Stephen Aquino na nagkaka edad ng 7 taong gulang.

Samantala, mayroon namang malakihang chess tournament na isasagawa sa Angadanan, Isabela ngayong ika 16 at 17 ng Disyembre 2017 kung saan ay isa ang 98.5 Mhz DWKD RMN Cauayan sa mga gumawa ng koordinasyon para sa torneong ito.


Facebook Comments