Hong Kong – International Master Haridas Pascua kumakapit pa rin sa pangalawang puwesto sa Hong Kong International Chess Tournament.
Dalawang tabla ang naitala ni Pinoy International Master Haridas Pascua sa 7th at 8th round para manatili sa ikalawang puwesto ng Hong Kong International Open Chess Championship sa Kung Lee College.
Hinatak sa tabla ni Pascua si Top Seed at Pacesetter Karen Grigoryan ng Armenia at Chinese International Master Bo Li para makapagtala ng 6 1/2 points.
Sa kabila nito, lamang pa rin ng isang puntos si Grigoryan Patungo sa last round ng Torneo.
Lamang naman ng kalahating puntos si Haridas sa anim na player na nasa pangatlong puwesto.
Bagamat maliit ang pagkakataon ni Haridas na makuha ang titulo malaki naman ang pag-asa nito na makuha ang pangalawang puwesto sa Torneo.