CHESS TOURNAMENT | International Master Haridas Pascua, nagtala ng upset win

Hong Kong – Ginulat ni International Master Haridas Pascua ng Pilipinas ang bigating Chinese Grand Master na si Zheng Chong Sheng sa sixth round ng Jolimark Hong Kong International Open Chess Tournament na ginaganap sa Kung Lee College.

Tinalo ni Pascua ang higher rated Chinese GM gamit ang puting piyesa. May ELO rating kasi na 2547 si Zeng samantalang 2424 lamang ang antas ni Haridas.

Dahil sa panalo umakyat sa pangalawang puwesto sa si Haridas sa kaniyang 5 1/2 points o limang panalo at isang tabla sa nine-round chess tournament.


Nangunguna pa rin si top seed GM Karen Grigoryan ng Armenia sa kaniyang six points.

Facebook Comments