Chess Tournament sa Cauayan City, Gaganapin na Ngayong Sabado!

Cauayan City, Isabela – Gaganapin na ang kauna-unahang Chess Tournament ng 98.5 iFM Cauayan katuwang ang Cauayan City Sports Development Office ngayong Sabado, Abril 27, 2019 sa SM City Cauayan.

Ito ang ibinahagi ni Ginoong John Robert Bumatay, Presidente ng Cagayan Valley Chess Association (CBCA) at magiging Chief Arbiter ng nasabing Tournament.

Anya, dalawang kategorya ang magaganap na kinabibilangan ng Open at Kiddies Category na magsisimula ganap na alas dyes ng umaga at magtatapos ng alas syete ng gabi.


Ang mga mananalo ay makakatanggap ng cash prize at special awards na ibibigay rin pagkatapos ng laban.

Layon anya ng nasabing palaro na maparami pa ang mga bata at kabataan upang mahubog ang kanilang kaalaman sa larangan ng Chess.

Kaugnay nito, hinimok naman ni Bumatay ang iba pang Chess player na sumali sa naturang patimpalak upang mas lalong masanay at para mailayo na rin sa masamang g awain.

tgas: 985rmncauayan, cauayan city, luzon, isabela, John Robert Bumatay, Presidente ng Cagayan Valley Chess Association (CBCA), chess tournament

Facebook Comments