CHESS | WGM Frayna, nangunguna sa International Chess Tournament sa Espanya

Pinataob ni Woman World Chess Grandmaster Janelle Mae Frayna si GM Marius Manolache ng Romania para manatili sa leaderboard ng 41st Internaciobal Barbera Del Valles tournament sa Espanya.

Hawak ang puting piyesa, nagpakita ng end game maturity si Frayna para masilat ang 10th seed GM na may FIDE rating na 2494.

Nagresign si Manolanche pagkatapos ng 75 moves ng King’s Indian Defense, Fianchetto variation pagkatapos ng apat na oras na laro.


Dahil dito may dalawang puntos na si Frayna na tanging babae na sosyo sa una hanggang ika-13 puwesto pagkatapos ng dalawang round.

Tumabla naman si GM Eugene Torre kay FIDE Master Khherdekar Sauravh ng India sa kanilang London Opening encounter.

Natalo naman si 2018 Asian Youth and under-18 champion IM John Marvin Miciano kontra kay Gaurav Kumar ng India sa Pirc Defense.

Facebook Comments