Mabibili sa auction sa halagang kalahating milyong dolyar o katumbas ng higit 25 million pesos ang Chicago Bulls jersey ni National Basketball Association (NBA) Legend Michael Jordan.
Sinuot ni Jordan ang nasabing jersey noong 1997-1998 finals na siyang huling season nito kung saan nakaharap nila ang Indiana Pacers.
Sinuot din nito ang jersey noong game 3 at game 4 ng series noong May 23 at 25 taong 1998.
Inaasahan namang ang nasabing jersey ang siyang pinakamahalagang jersey na maibebenta sa kasaysayan ng NBA.
Facebook Comments