
CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagsasanay ang Cauayan City Agriculture Office kahapon, ika-27 ng Marso, sa New Goverment Center, Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Dito ay lumahok ang 50 kababaihan na miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod kabilang na ang Barangay Sillawit, Buyon, Minante 2, Nagrumbuan, Naganacan, Pinoma, Turayong at iba pa.
Sa aktibidad ay itinuro ang mga sangkap sa pagluluto ng Chichacorn, mga kagamitan at ang proseso ng pagluluto nito na pinangunahan naman ng Melani Food Products.
Ngayong araw naman ay tatalakayin ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang tungkol sa Product labeling and packagaing at mga good manufacturing practices.
Maliban sa mga ito, katuwang din sa aktibidad ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan, at ang Gender and Development (GAD) Focal Point System.
Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga kalahok na maaari nilang magamit para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.