Chickenpox, mas nakakahawa kumpara sa Monkeypox ayon sa isang infectious disease expert

Inihayag ng isang infectious disease expert na mas nakakahawa ang Chickenpox o bulutong kumpara sa Monkeypox.

Sinabi ito ni Dr. Eric Tayag kasunod ng pagkakatala ng unang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas.

Dahil nakapasok na sa bansa ang naturang sakit sa bansa ay sinabi ni Tayag na kailangang bantayan ang index patient at ang mga close contacts nito upang hindi na ito kumalat pa.


Sa ngayon ay maaga pang sabihin kung nakikitaan na ng community transmission ang kaso ng Monkeypox sa bansa.

Sa kabilang banda, sinabi ng eksperto ay maaaring gamitin ang small pox vaccine laban sa Monkeypox.

Facebook Comments