Chief Inspector Espinido, hindi ililipat ng assignment ayon sa PNP

Manila, Philippines – Walang balak si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na ilipat ng bagong assignment si Ozamiz City Chief of Police, Chief Inspector Jovie Espinido.

Paliwanag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, walang pagkakamali si Espinido nang magsagawa ng operasyon at mapatay si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Senior.

Mahalaga ayon kay Carlos ay mapanatili ni Espinido ang peace and order sa lugar sa gitna na rin ng banta na resbak ng mga kaalyado ng pamilya Parojinog.


Matatandaang naging kontrobersiyal na rin noon si Espinido matapos masangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng Baybay Sub Provincial Jail.

Sina Parojinog at Espinosa ay kapwa sangkot umano sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments