CHIEF INTEL NG CAGAYAN PPO NA MIYEMBRO NG "NINJA COP", SINIBAK

Cauayan City, Isabela – Tuluyan ng sinibak sa kanyang puwesto bilang Chief Intelligence Branch ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) si P/Major Bienvenido Reydado.

Si Police Major Reydado ay inakusahang isa sa mga miyembro ng “Ninja Cops” na humarap sa Senate hearing kamakalawa. Siya ay, dating nakatalaga bilang Provincial Director ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Pampanga na sinampahan ng kaso noong 2014 dahil sa paratang na pag-recyle ng mga nakumpiskang droga sa isang Chinese drug lord sa isinagawang drug operation sa nasabing lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5iFM Cauayan, sinibak sa kanyang puwesto bilang Chief Intellegence Branch ng CPPO si P/Maj. Reydado para hindi umano mabahiran ang kanilang kasalukuyang anti-illegal drugs campaign sa naturang lalawigan. Unang na-assign sa Provincial 1st Manuever Platoon si P/Major Reydado bago itinalaga noong July 18, 2019 bilang Chief Intellegence Branch ng CPPO.


Ang pagsibak kay P/Maj. Reydado ay dahil sa kinasasakungtan nito bilang miyembro ng “Ninja Cops” na kasalukuyan ngayon binubusisi at iniimbestagan ng senado sa senate hearing.

Facebook Comments