Manila. Philippines – Sa Biyernes, Agosto a–tres nakatakda ang deliberasyon ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga aplikasyon ng mga aspirante sa pagka-punong mahistrado.
Sa naturang deliberasyon, bubusisiin ng JBC ang mga naisumiteng initial requirements na hinihingi para sa aplikasyon ng susunod na chief justice.
Dito rin tutukuyin o itatakda ng JBC ang schedule ng public interview ng mga kandidato para sa susunod na chief justice.
Lima ang mga aplikante sa pagka-punong mahistrado ng Kataas–Taasang Hukuman.
Humabol noong Biyernes sa deadline ng paghahain ng aplikasyon si Judge Virginia Tehano ng Tagum City Regional Trial Court Branch 1.
Tinanggap din nina Supreme Court Associate Justices Teresita De Castro, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes ang automatic nomination sa kanila.