Manila, Philippines – Ikinalugod ni bagong Chief Justice Teresita De Castro ang pagkakahirang sa kanya ng Pangulong Duterte bilang bagong punong mahistrado.
Ayon kay De Castro, welcome sa kanya ang nasabing appointment.
Inihayag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra, JBC member, na ngayong si De Castro ang nahirang ng Pangulo, magkakaroon aniya ng panibagong aplikasyon o nominasyon ang tatlo pang mga mahistradong pagpipiliang papalit sa kanya sa sandaling magretiro siya sa darating Oktubre.
Sa darating na Oktubre kasi ay nakatakda nang magretiro si De Castro.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra na hindi na dadaan sa public interview ng JBC ang mga contenders na sina Supreme Court Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Andres Reyes Jr.