Chief Justice Bersamin, dumistansya sa isyu ng death penalty

“No comment”

Yan ang naging reaksyon ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa nabanggit ng Pangulong Duterte sa kanyang SONA kahapon sa pagsusulong nito ng death penalty sa drug trading at plunder cases.

Ayon kay Bersamin, iniiwasan niya na mabahiran ang kanyang opinyon sa naturang isyu.


Sa kabilang dako, labis na hinahangaan ng punong mahistrado ang Pangulo sa political will nito.

Naniniwala rin si Chief Justice Bersamin na walang nakalimutan na isyu ang Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan at lahat ay prangka nitong naihayag sa sambayanan.

Facebook Comments