CHIEF JUSTICE GESMUNDO, PINANGUNAHAN ANG PAGSASANAY SA INVESTIGATIVE COMPETENCE KAUGNAY SA HALALAN

Dumalo si Chief Justice of the Supreme Court Alexander Gesmundo sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) upang pangunahan ang pagsasanay sa Investigative Competence on Election Offenses and Case Filing Procedures ng mga kapulisan.

Binigyang-diin nito sa kanyang mensahe ang kahalagahan na mapanatili ang pagiging tapat at patas sa mga election laws, rules at regulation.

Sumailalim din ang mga police personnels ng Pangasinan PPO sa lectures na Cyber Crime in relation to Elections Laws and COMELEC Resolution No. 11064 at COMELEC Resolution 11104 o Kontra Bigay.

Iginiit ang gampanin ng mga kawani ng gobyerno, mga law enforcement agencies na malaking katuwang sa adhikaing mairaos ang malinis at payapang halalan sa darating na Mayo.

Samantala, muli ring tiniyak ni Pangasinan PPO Provincial Director PCol. Rollyfer Capoquian ang mahigpit na pagbabantay sa lalawigan para sa seguridad ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments