Chief Justice Gesmundo, wala pang natatanggap na abiso hinggil sa sinasabing panunumpa sa kanya ni incoming President BBM

125

Wala pang natatanggap na imbitasyon si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo mula sa kampo ni President-elect Bongbong Marcos hinggil sa sinasabing gagawing oath taking nito sa punong mahistrado.

Ito ang kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Bryan Keith Hosaka.

Ito ay bagama’t inanunsyo na ng kampo ng incoming president na ang punong mahistrado ang magpapanumpa kay Marcos bilang tradisyon.


Gagawin ang inagurasyon ni Marcos sa National Museum sa Maynila sa June 30.

Kanina isinagawa na rin ang ocular inspection sa National Museum.

Facebook Comments