Manila, Philippines – Inendorso ng Integrated Bar of the Philippines o IBP si Senior Associate Justice Antonio Carpio na maging bagong Chief Justice ng Korte Suprema.
Ayon kay IBP National President Abdiel Dan Elijah Farajardo, si Carpio ang pinaka-senior sa hanay ng mga mahistrado sa Kataas-Taasang Hukuman.
Kaya si Carpio aniya ang pinaka-kwalipikado na manguna at mamuno sa Korte Suprema at sa buong hudikatura.
Gayunman, nauna nang tinanggihan ni Carpio ang anumang nominasyon kung saan iginiit niyang ayaw niyang makinabang sa naging pasya ng korte sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Facebook Comments