Chief Justice Lucas Bersamin, nagpa alala sa mga mamamayag na nagko-cover sa hudikatura

Nagpaalala si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa mga mamahayag na nagko-cover ng Philippine Justice Beat hinggil sa kanilang obligasyon.

Sa kanyang mensahe matapos niyang panumpain ang mga bagong officers ng Justice Reporters Organization (JUROR) , sinabi ni Bersamin na bagamat may kani-kaniyang news organization at mga boss ang mga mamamahayag, ang mga ito ay pawang tumatayo para lamang sa iilang dahilan gaya ng pagpapasweldo.

Binigyang-diin ng punong mahistrado na ang totoong misyon ng mga reporter ay ang tuparin ang obligasyon nila sa taong bayan at hindi kung kanino pa man.


Dumalo rin sa nasabing oath taking ceremony sina dating Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro, Justice Secretary Menardo Guevarra, incumbent at retired Supreme Court at Court of Appeals justices, Court Administrator Jose Midas Marquez, dating Ombudsman Merceditas Gutierrez, dating Comelec Commisioner Lucenito Tagle, Public Attorney’s Office chief Persida Acosta; at state and city prosecutors

Ang mga sumusunod ay ang mga bagong halal na officers ng JUROR:

  • Bert Mozo, president
  • Boy Gonzales, vice-president
  • Moira Encina, secretary
  • Jun Samson, treasurer
  • Johnson Manabat, auditor
  • Dexter Ganibe, chairman of the board
  • Jerald Ulep, board director
  • Joyce Collantes Adra (DZXL RMN), board director
  • Julius Gonzales, board director
  • Lorenz Tanjoco, board director
  • Mark Makalalad, board director
  • Virgil Lopez, board director
  • Sam Nielsen, board director
  • Ricky Brozas, board director
  • Carlo Mateo, board director

Tumatayo namang advisers ng nasabing organisasyon sina Jomar Canlas (Manila Times), Cecille Villarosa (GMA-7), at Ina Reformina (ABS-CBN).

Facebook Comments