Chief Justice Peralta, ikinalugod ang mataas na resulta na kaniyang nakuha sa survey

53

Ikinalugod ni Chief Justice Diosdado Peralta ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha siya ng pasado at mataas na grado, sa kabila na mababa ang kamalayan ng publiko sa mga nangyayari sa hudikatura.

Ayon kay CJ Peralta, ang posisyon ng Chief Justice at lahat ng mga mahistrado sa hudikatura ay pawang mga appointed officials kaya hindi familliar dito ang publiko.

Tiniyak naman ni Peralta na magpapatuloy ang mga reporma sa hudikatura para matiyak na naihahatid ang hustisya sa publiko.

Ayon pa sa Punong Mahistrado, nais niyang maging epektibo ang mga patakaran at kautusan na ipinalabas ng Korte Suprema lalo na ngayon na may pandemya.

Facebook Comments