Kinumpirma ng Korte Suprema na negatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) si Chief Justice Diosdado Peralta.
Ayon kay CJ Peralta, nagpasuri siya matapos bumyahe sa Netherlands nitong unang linggo ng Marso at nang mga sumunod na araw ay nakitaan siya ng sintomas ng sakit, dahil sa kanyang ubo.
Bahagi ng delegasyon ng Pilipinas ang punong mahistrado sa the Hague Conference on Private International Law General Affairs and Policy Meeting noong March 1 hanggang March 7.
Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, nakaranas siya ng pauliit-ulit na pag-ubo kaya’t nagpasya siyang mag-self quarantine sa kanilang tahanan.
Pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na magpatingin alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).
Isinasapubliko ng punong mahistrado ang kanyang resulta sa COVID-19 test upang mabigyan ng kasiguruhan ang hanay ng hudikatura at ng publiko na siya ay negatibo sa sa COVID-19.
Sa ngayon, aniya, ay naka-work from home siya at patuloy na nakasubaybay sa sitwasyon sa mga hukuman.