Kinuwestiyon ni Supreme Court (SC) Chief Justice ang paggigiit ng mga petitioners ng Anti-Terror Act (ATA) of 2020 na malabo raw ang ilang definition ng mga offenses sa naturang batas.
Sa isinagawang oral argument kahapon, sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na ang mga nasa Section 4 at paragraphs (a), (b) at (c) ng batas ay hindi naman bago sa pandinig dahil nakasaad ditong paparusahan lamang ang “preparatory” intended acts of terrorism.
Sinabi pa ng punong mahistrado na bago pa man maipasa ang naturang batas, ang pagpapataw ng parusa ay nasa ilalim na rin ng ilang batas.
Ayon kay Peralta, malinaw naman sa bagong batas na pinipigilan lamang nito ang mga sitwasyon kung saan ang actual na insidente ng krimen gaya ng pagpatay o ang mga pagkilos bago pa man ang acts of terrorism ay maikokonsidera nang nagawa ng isang indibidwal.