Chief Justice Peralta, umapela sa Kongreso ng agarang pagsasabatas sa Philippine Judiciary Marshal

Umaasa si Chief Justice Diosdado Peralta na maaktuhan na ng Kongreso sa pagbalik session nito ang pagsasabatas sa Philippine Judiciary Marshal.

Sa harap ito ng sunud-sunod na pananambang sa mga hukom kung saan ang pinakahuling inambush ang isang judge mula sa Libmanan, Camarines Sur.

Ayon kay Chief Justice Peralta, sa ngayon ay law enforcement agencies lamang ang kanilang takbuhan kapag mayroong mga ganitong insidente.


Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng Philippine Judiciary Marshal lalo na’t maraming mga hukom ang nakakatanggap ngayon ng pagbabanta sa buhay.

Facebook Comments