CHIEF JUSTICE POST | Paghahanap sa bagong SC Chief Justice, opisyal na bubuksan ng JBC ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong ngayong araw, June 25 ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) para opisyal na buksan ang paghahanap sa bagong Supreme Court Chief Justice.

Naging bakante na ang Chief Justice post mula nitong June 19 na may pinal na desisyon mula sa SC para patalsikin si Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Sa ilalim ng konstitusyon, kinakailangang magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay Sereno sa loob ng 90 araw mula nitong June 19 mula sa listahang isusumite ng JBC.


Ang chief justice ay dapat natural-born citizen, nasa 40-anyos ang edad, may karanasan na bilang judge o pribadong abogado.

Ang top three SC justices ay automatic qualified sa pwesto ng chief justice pero kinakailangang manominado at mapasama sa listahan ng JBC.

Una nang tinanggihan ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang lahat ng nominasyon sa pagiging punong mahistrado.

Facebook Comments