Chief Justice Sereno, handang patunayan na walang basehan ang mga reklamo laban sa kaniya

Manila, Philippines – Kinontra ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na may sapat na sufficient in form ang impeachment complaint ni Atty. Lorenzo Gadon laban sa kaniya.
Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Carlo Cruz, walang katotohanan ang mga alegasyon ni Gadon.
Aniya, marami sa mga paratang laban kay Sereno ay hindi naman suportado ng ebidensya at ibinatay lamang sa hearsay o haka-haka.
Naniniwala rin si Cruz na politika ang motibo sa paghahain ng impeachment case laban kay Sereno para sirain ang kredibilidad nito.
Hinihintay pa aniya ni Sereno ang opisyal na kopya ng reklamo at handa itong dumaan sa kaukulang legal remedy.
Umaasa ang Chief Justice na magkakaroon siya ng patas, transparent at makatwirang pagkakataon na mailahad ang kanyang panig at magpapasya ang kongreso batay sa merito ng kaso.

Facebook Comments