Chief Justice Sereno, hindi haharap sa impeachment proceeding sa Kamara

Manila, Philippines – Nilinaw ng mga abogado ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi ito ang haharap para isailalim sa cross-examination ang mga testigo ni Atty. Larry Gadon, ang naghain ng reklamo laban sa Chief Justice.

Ayon sa abogado ni Sereno na si Atty. Anzen Dy, ang mga legal counsel ng Chief Justice ang haharap sa House Committee on Justice.

Paglilinaw nito, hindi si Sereno kundi ang mga abogado nito ang magtatanong sa mga testigo ng complainant.


Iginigiit ng kampo ni Sereno ang Section 6 ng house rules na right to conduct cross-examination at ang Konstitusyon na right to confront the accused.

Dagdag pa ng mga abogado nito, kung nais malaman ang katotohanan sa likod ng inihaing impeachment complaint laban sa Chief Justice ay payagan ang kampo nitong makapagtanong sa mga witnesses pagdating sa preliminary investigation ng Committee on Justice.

Pero mahigpit ang Kamara pagdating sa direct cross examination dahil mga kongresista lamang ang binibigyang karapatang magtanong para sa pagtukoy kung may merito at probable cause ang impeachment complaint.

Facebook Comments