Chief Justice Sereno, hiniling na ito na lang ang magtanong sa mga testigo

Manila, Philippines – Kasabay ng pormal na pag-imbita kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hiniling ng House Committee on Justice na ang Punong Mahistrado na lamang ang magtanong sa mga testigong ihaharap ng complainant na si Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, tiyak na pagbibigyan ng komite kung si Sereno ang magtatanong sa mga testigo dahil ito naman ang Chief Justice.

Kaya para magawa ito ay dapat si Sereno mismo ang pumunta at humarap sa komite kung talagang wala itong itinatago.


Hindi syento por syentong sigurado kung mapagbibigyan naman ang hiling ni Sereno na katawanin ang mga abogado nito para ang mga ito ang magtatanong sa mga witnesses.

Dedesisyunan din ang hiling na ito ni Sereno kasabay din ng pagdinig sa pagdetermina ng probable cause sa impeachment complaint niya.

Naniniwala pa si Alvarez na mas mabigat at matibay ang mga akusasyon laban kay Sereno dahil nagawa umano ni Atty. Gadon na makakuha ng mga original at authenticated documents laban sa Chief Justice at may mga mahistrado at abogado din itong nakuhang testigo laban kay Sereno.

Facebook Comments