Manila, Philippines – Inihayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na natatakot lamang sa kanyang sariling multo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaya ayaw nitong humarap bukas sa impeachment case laban sa Punong Mahistrado.
Tugon ito ni Alvarez sa ginanap na Conference on Judicial Institution Building and Reform sa New World Bay Hotel Manila sa alegasyon ni Sereno na gawa-gawa lamang ang kasong Impeachment laban sa Punong Mahistrado.
Matatandaang sinabi ni Sereno na hindi siya dadalo para sa unang pagdinig ng pagdetermina ng probable cause sa reklamong inihain sa kanya bukas sa Kamara.
Nagsumite si Sereno ng liham kalakip ang Special Power of Attorney (SPA) sa House Committee on Justice para igiit ang `right to counsel` at payagan na katawanin niya ang kanyang mga abogado para makapag-cross examine ang mga ito sa mga testigong ihaharap ng complainant na si Atty. Larry Gadon.
Nanindigan si Alvarez na hindi gawa gawa ang Impeachment case laban kay Sereno dahil itoy nakabatay sa dokumentong nakalap ng complainant.