Chief Justice Sereno, pinagsusumite na ng komento ng Supreme Court en banc tungkol sa hiling na ilabas ang resulta ng kanyang psychiatric test

Manila, Philippines – Pinagsusumite na ng komento ng mga kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay para ng magpaliwanag sa hiling ni Atty. Larry Gadon na mabigyan siya ng kopya ng resulta ng psychological at psychiatric evaluation ni Sereno.

Si Gadon ang isa sa mga abugadong naghain ng impeachment complaint laban kay Sereno.


Sa kanyang reklamo, sinabi ni Gadon na nagawa ni Sereno ang mga impeachable offense nang dahil sa kanyang “mental disorder.”

Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc kanina, binigyan ng mga mahistrado si Sereno ng limang araw para magkumento sa hiling ni Gadon.

Inatasan din ng Korte Suprema ang Judicial and Bar Council na magsumite ng kumento sa nasabing isyu.

Una nang dumulog si Gadon sa JBC subalit tumanggi ang JBC na bigyan siya ng kopya ng psychiatric test ni Sereno.

Facebook Comments