
Itinanggi ni Department of Public Works and Highways – MIMAROPA Chief Admin Officer Cecila Vicquerra na isa siya sa mga authorizer ng disbursement voucher at billing sa pagitan ng ahensya at ng Sunwest Incorporated.
Matapos ngang pangalanan ng ibang testigo ang mga nag-apruba sa nga naturang transaksyon na may kinalaman sa maanomalyang flood control project sa Naujuan, Oriental Mindoro.
Sinabi ni Vicquerra sa nagpapatuloy na pagdinig ng piyansa sa Sandiganbayan Fifth Division laban sa siyam na DPWH-MIMAROPA na ang kaniyang ginawa lamang ay nag-apruba at tumestigo na sapat ang pondo na ibabayad sa naturang contractor.
Dagdag pa niya na hindi siya mismo ang gumagawa ng transaksyon bagkus ang cashier ng ahensya na kinilala na si Pilar Gacutan.
Samantala, aminado naman ang siya na hindi nito personal na nakita si dating Regional Director Gerald Pacanan na pumirma sa mga ipiniresentang dokumento.
Sumalang sa pagdinig si Vicquerra bilang testigo ng prosekyusyon upang alamin ang pagiging totoo ng mga dokumentong nagpapatunay na binayaran ang Sunwest ng ahensya.










