Naging makabuluhan ang pagpupulong nina Joint United States Military Philippines Chief Col. Stephen Ma at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana kagabi.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo.
Aniya, sumentro ang talakayan ng dalawang opisyal sa kung paano aaksyon sa sitwasyon sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ito ay dahil na rin sa pagdami ng presensya ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea.
Ayon kay Arevalo, napagkasunduan ng dalawa na magtuloy-tuloy ang komunikasyon nila para mas makagawa pa ng mga hakbang nang sa ganun maging maayos ang sitwasyon sa EEZ ng Pilipinas.
Facebook Comments