Chief ng Regional Finance Service Region 2, Tinanghal Bilang Best Senior PCO sa PNP!

Cauayan City, Isabela- Itinanghal bilang Best Senior Police Commissioned Officer ngayong taon si PSUPT Jean Dela Torre, ang hepe ng Regional Finance Service 2 dito sa lambak ng Cagayan sa naganap na ika pitumpu’t walong anibersaryo ng Finance sa Kampo Krame, Quezon City.

Tinalo ni PSUPT Dela Torre ang nasa labing siyam na contender’s ng PNP mula sa iba’t-ibang rehiyon dito sa bansa.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni PSUPT Dela Torre sa Police Regional Office 2 sa ibinigay na suporta at pagtulong sa kanyang mga adbokasiya at programa na naging daan upang makamit ang kanyang natanggap na parangal.


Samantala, pinarangalan din si PSUPT Dela Torre bilang Best Regional Administrative Support Unit (RASU) noong nakaraang taon sa ginanap naman na ika-isangdaan at labingpitong anibersaryo ng Kapulisan sa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City.

Facebook Comments