Chief of Police at mga tauhan ng Binangonan Municipal Police Station, iimbestigahan matapos ireklamo ng pangongotong

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas kay PNP CALABARZON Regional Director Brig. General Felipe Natividad na imbestigahan ang Chief of Police ng Binangonan PNP na si Police Col. Ferdinand Ancheta at mga tauhan nito.

Ito ay matapos na maaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang kanilang dalawang sibilyan asset dahil sa umano’y pangongotong.

Kinilala ang mga ito na sina Albert Domingo alyas Joel, at Pablo Dolfo alyas Botchok, parehong civilian “assets” ng Binangonan Police Station.


Batay sa pag-iimbestiga ng PNP-IMEG, sina Domingo at Dolfo ay nangotong sa isang Stephen Kellu kapalit ay pag-release nang kanyang impounded na sasakyan.

Ayon naman kay PNP-IMEG Director Police Col Thomas Frias Jr., nadiskubre rin nila sa isinagawang entrapment operation na pinalaya ang isang person under police custody na si Police Corporal Archieval Perez na nahaharap sa non-bailable charges dahil sa Infidelity in the Custody of Prisoners.

Nagsilbi raw itong lookout habang kinukuha ang perang kinotong kay Kellu gamit ang dalawang cellphones.

Kinilala rin ni Kellu, ang anim na pulis na nakatalaga sa Binangonan Police Station na direktang nangotong sa kanya na ngayon ay iniimbestigahan na.

Ito ay sina:

1. PSMS Randy Andanar
2. PSSG Joel Acosta
3. PSSG Joe Sevillena
4. PCPL Allan Alvarez
5. PCPL Marson Tayaban
6. PCPL Ew Armenis

Facebook Comments