Chief of Police ng Bato, Catanduanes, sinibak!

Kinumpirma ni Police Regional Office 5 Director Police Brigadier General Bartolome Bustamante na sinibak na ang Chief of Police ng Bato, Catanduanes na si Lieutant Colonel Ariel Buraga.

Batay ito sa rekomendasyon ng Catanduanes Police Provincial Office kasunod ng post sa social media ni Buraga na tila kumakampi sa ginawang pagpatay ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Sa post, iginiit ni Buraga na kahit may edad na ay dapat pa ring gumalang sa pulis at mahirap na kalaban daw ang pagtitimpi o galit kaya naman naging trending ito social media.


Ayon kay Bustamante, tuloy pa rin ang imbestigasyon kay Buraga batay sa kanilang naging pag uusap ni Col. Castillo ng Catanduanes.

Matatandaang hiniling ni Bato Mayor Juan Rodulfo kay Catanduanes Provincial Police Director P/Col. Brian Castillo na palitan si Buraga sa pwesto.

Facebook Comments