Chief of Police ng Calbayog City Police, sinibak na sa pwesto matapos masangkot ang kaniyang mga tauhan sa dalawang magkasunod na kontrobersiya

Sinibak na sa puwesto bilang Chief of Police ng Calbayog City si Police Lieutenant Colonel Neil Montaño epektibo ngayong araw, March 14, 2021.

Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kabilang sa sinibak 9 na Non-commissioned Officers (PNCOs) ng Calbayog City Police.

Ito ay dahil sa dalawang insidenteng kinasasangkutan ng kaniyang mga tauhan kabilang ang shootout sa siyudad na nagresulta sa pagkamatay sa Mayor Ronaldo Aquino at ang iresponsableng paghingi sa local courts ng mga pangalan ng mga abogadong may kaugnayan umano sa Communist Party of the Philippines.


Nabatid din na si Police Lieutenant Colonel Rodolfo Albotra ang papalit sa kaniyang puwesto.

Facebook Comments