Tinanggal sa pwesto ang Chief of Police ng Dolores Quezon dahil sa paglabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Provincial Director Audie Madrideo, iniimbestigahan na ngayon si Police Captain Joseph Ian Java dahil lumabag umano sa direktiba ni PNP Chief General Debold Sinas na pagbabawal sa social gatherings, parties at iba pang aktibidad ngayong holiday season.
Siya ay administratively relief bilang Chief of Police ng Dolores Quezon epektibo nang nakalipas ng December 22.
Ipinalit muna kay Java si Police Lt. Almario Dela Rosa bilang Officer in Charge ng Dolores MPS.
Muli namang panawagan ni Col. Madrideo sa kanyang mga tauhan sa Quezon Police Provincial Office na sumunod sa umiiral na health protocols guidelines dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.