Chief of Police ng Koronadal City Police Station, Sinibak

 

Sinibak ang Chief of Police ng Koronadal City Police station na si Police Lt. Col. Benjie Kirby Bajo matapos na mag-viral sa social media ang isang video na nag-iinuman at nagsusugal sa loob mismo ng police station ang kanyang mga tauhan.

 

Ayon kay PNP region 12 Spokesperson Police Col. Aldrin Gonzales, mismong si Region 12 Regional Director BGen. Eliseo Rasco ang nag-isyu ng relieve order na epektibo kahapon.

 

Sinibak si Bajo bilang disciplinary action dahil sa ginawa ng kanyang mga tauhan at pagsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal ang pag-iinuman sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga Government Offices ng mga pulis at sundalo.


 

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga pulis na nasa video na maaaring maharap sa kaso dahil sa insidente.

Facebook Comments