Nakaligtas ang Chief of Police ng Pinamalayan at tatlo nitong tauhan sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New Peoples Army kaninang 7:45 ng umaga sa National Highway sa Brgy. Pasi 2, Socorro, Oriental Mindoro.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Supt Socrates Fataldo, inireport sa Pinamalayan Municipal Police Station ni Brgy. Chairman Danilo Caspe ng Brgy. Pasi 2 na nakarinig sila ng malakas na pagsabog kaninang umaga na sinundan ng sunod-sunod na putok ng baril sa kanilang barangay.
Base sa salaysay ng Brgy. Chairman, target ng pag-atake ang mobile patrol car ng Pinamalayan MPS na sinaksakyan nina PCPT RUELITO R MAGTIBAY, DCOP, PCMS Ivan Fortus, PSMS Irene M Lazo, PCpl Ivy Carmona, Brgy. Chairman Noli Dela Cruz ng Brgy. Palayan, Pinamalayan, Oriental Mindoro, at minamaneho Patrolwowan Raquel Generoso.
Papunta umano ang grupo sa Pinamalayan para dumalo sa isang radio interview nang atakihin ng mga hindi pa kilalang salarin.
Naligtas naman sa pag-atake ang grupo at derederetsong nakatakbo ang kanilang sasakyan palayo sa ambush site.
Iniulat na nagtamo ng sugat sa insidente sina PCMS Ivan Fortus, PSMS Irene M Lazo at PCpl Ivy Carmona, na agarang dinala sa Oriental Mindoro Provincial Hospital.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa ambush incident.