Chief of Police ng Puerto Princesa City, sinibak dahil sa pagmamaltrato sa tauhan ng DENR

Inalis sa pwesto ang Chief of Police ng Puerto Princesa City sa Palawan dahil sa umano’y pagmamaltrato sa tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac.

Aniya, iniutos mismo ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang pagsibak kay Police Colonel Marion Balonglong matapos makarating sa kanya ang impormasyon na pagkakasangkot sa maltreatment sa DENR personnel.


Ayon kay Gamboa, ang alegasyon kay Balonglong ay seryoso kaya kailangan itong sibakin at maharap sa imbestigasyon.

Inutos na rin ni Gamboa kay PRO-MIMAROPA Regional Director, Police Brigadier General Nicerio Obaob, tutukan ang imbestigasyon kay Balonglong sa pamamagitan ng paghahanap ng ebidensya at mga testigo para mapatunayang ang alegasyon sa Police Officer.

Facebook Comments