Manila, Philippines – Hindi tatanggalin ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon si Atty. Mandy Anderson na tumawag kay House Speaker Pantaleon Alvarez na ‘Imbecile’ o stupido sa isang Facebook post.
Kasunod ito ng hirit ng ilang mambabatas na pag-isipan na ni Faeldon kung mananatili sa posisyon si Anderson.
Ayon kay Faeldon, personal ang opinyon ni Anderson sa kanyang FB at posible ring nag-ugat ang isyu nang ibasura ni Anderson ang hiling ng isang kongresista na i-promote ang isang empleyado sa ahensya.
Facebook Comments